20 Recent Posts :: List of Licensed Agencies :: Job Vacancies :: POEA Home

Message Board
« CONTRACT BUY OUT »

Welcome Guest. Please Login or Register.
Dec 22, 2009, 6:54pm




Message Board :: Overseas Employment (OE) :: OE Related Problems (Social, Political, Cultural etc.) :: CONTRACT BUY OUT
   [Search This Thread][Send Topic To Friend] [Print]
 AuthorTopic: CONTRACT BUY OUT (Read 282 times)
wengertzz
Junior Member
**
member is offline

[avatar]

you live.. you learn...

[yim]
[homepage]

Joined: Aug 2008
Gender: Female
Posts: 73
Location: across the universe
 CONTRACT BUY OUT
« Thread Started on May 12, 2009, 6:04am »

Hi po good day. gusto ko lang po sanang humingi ng payo tungkol sa pagbuy out ng contract.

Mag 8months na po ako dito sa saudi particulary here in riyadh. ako po ay isang registered nurse sa pinas at nag apply sa aljazira manpower agency ang nangyari po kasi kami ay naloko ng agency na eto ang pangako po nila ay sa hospital kami iaassign ngunit kami ay pinadala dito sa dental clinic :'( ang sahod ko po ay 1700SR sa kawalan ng oportunidad sa pinas ay pinili kong mag abroad pra magkaron ng work experience para sa career growth at syempre parA di na rin umasa sa magulang pero sobrang life experience po ang binigay sakin ng saudi. pag dating po dito ay nagbago ang usapan sa pinas kami ang pinagbayad ng aming exam sa ministry 840SR, medical 250SR, exam site 350SR, stamp 150SR, iqama 900SR at ang placement fee na 1500SR sa totoo lang po sa 8 months ko ay wala akong naipon dahil sa cut salary, ang masaklap pa po neto kami ay may overtime pero walang fee, tapos wala kaming meal break kahit 5minutes at ngayon ay sapilitan kaming pinagduduty ng off namin na walang bayad :sick: :'( meaning daig pa namin si kuracha sya kahit linggo may pahinga kami wala.. :'( which is against labor law :no:

sagot namin ang food namin, uniform at kung may masisira dito sa accommodation ay dapat kami magpagawa. kagaya ng ref na sing tanda ng clinic na eto 12yrs nung masira ay kami ang pinapabili ng bago.. ngyiii patawa cla.. nung mapundi ang ilaw kami rin pinabili ng bumbilya.. ano ba eto.. :rollL :???: tapos pag lumalabas kami eh 2 oras lang 2x amonth pra mag grocery. kami pa nagprovide ng aming tv at satellite. huhuhu..tapos puro ipis pa ang accommodation namin..pero dito lang kami sa loob ng clinic nakatira at nililockan kami pagtapos na ang working hours kasi takot silang magpapasok kami ng lalaki dito sa accommodation.. :'( :'( nakakatakot po pag nagkasunog o ano mang sakuna kasi wala kaming malalabasan.. ganito po ba talaga ang housing ng mga worker dito sa saudi?? ??? grabee..napakademonyo ng kafil namin na saudi walang ibang alam kundi magcut salary :evil: pero ang good side ay di sya maniac.. al hamdellelah..

2yrs po ang napirmahan naming contract sa pinas pero di ko na balak tapusin pa yun. kaya ibuy out ko na ang malala pa sa lahat ay kahit tapos ang contract ay di sya nagbibigay ng release or No objection certificate kaya ngayon pa lang ay gusto ko ng umuwi..sabi din ng mudir namin na ang saudi nurse license namin ay di valid sa ibang hospital kasi nkabind daw yun s contract namin at pag natapos ang contract eh tapos na din ang license kaya wala ding kwenta kung ipagpapatuloy ko pa ang pagwowork dito kasi talo na ako sa sweldo eh, bugbog sa trabaho at wala pang career growth dito sa napasukan koh. :'( :'(

haay payuhan nyo po ako kung ano ang gagawin ko gusto ko na talagang umuwi..makakabalik pa ba ako sa kingdom kung wala akong NOC? :???: pano po? :?:

pano ko din po kakasuhan ang agency sa panloloko nila? naningil pa sila ng 13k php na processing fee sa impyerno naman kami pinadala..

salamat po sa mga mkapagbibigay ng suhestion..
Link to Post - Back to Top  IP: Logged

[image]

whatever happens... happens..
Misalyn
Moderator
*****
member is offline





Joined: Feb 2007
Posts: 4,793
 Re: CONTRACT BUY OUT
« Reply #1 on May 12, 2009, 6:32am »

Hi weng.

Wala akong maisip na correct word sa kalagayan mo dyan ngayon.

Narito ako hindi bilang isang moderator kundi bilang isang kabarong nurse. In my own opinion at kung ako ang lulugar sa katayuan mo, mas nanaisin ko talagang umuwi na lang ng Pinas. One of the reasons na sinabi mo dito kaya ka pumunta dyan eh dahil gusto mong magkaroon ng career growth, sa tingin ko kapag ipinagpatuloy mo ang pagtatrabaho dyan eh hindi mo makukuha ang gusto mo. Kung sa dental clinic yan, parang ang naging lagay nyo eh Dental assistant.

Malinaw na paglabag sa Saudi Labor Law ang ginagawa sa inyo ng inyong employer at talagang may karapatan kayong magreklamo kaya lang kung iilan lang kayong magrereklamo eh parang mahirap ata. At kung may wasta at malakas sa mga pinuno ang inyong mudir eh mahirap din.

Sa tanong mo tungkol sa pagba-buy out ng contract, ang tanong dyan eh kung papayag ba sila? Meron kasing mga employer na hindi pumapayag. Minsan kahit naka-state naman sa contract na pwede kang magresign eh hindi pa rin pumayag lalo na at wala namang magawa kung hawak nila ang passport. Tungkol doon sa license, I think the best way to verify its period of validity eh sa Saudi Nursing Council mismo (meron ba?) or sa MOH mismo or sa regulatory body ng nursing profession dyan sa Saudi.

Kapag nakauwi ka, maaari kang pumunta sa legal department ng POEA upang maitanong mo doon ang nararapat mong gawing aksyon sa nangyari sa iyo. Mas makakabuting magkaroon ka ng copy ng contract mo dyan at ng contract na pinirmahan mo sa Pinas upang makita nila at maipagkumpara.

Ingat palagi weng. Hintayin din natin ang sagot ng mga kaforums natin lalo na yung mas may alam sa Saudi matters.
Link to Post - Back to Top  IP: Logged

Khalas.Fin.The end. Sorry but I have to.
"Freedom"
Moderator
*****
member is offline

[avatar]

Believe...Change...Progress

[msn]

Joined: Oct 2008
Gender: Male
Posts: 3,626
 Re: CONTRACT BUY OUT
« Reply #2 on May 12, 2009, 4:32pm »

Weng, tama si madam con. Nandito kami para sa mga kapwa natin OFW. Maging mga baguhan ay ating dapat tulungan.

Mas maganda siguro kung makakapagbigay ka ng information para madali nating ilapit sa kinauukulan. Katulad nung ginawa natin kay Saudiurbanpro...pero wala na nga lang kaming balita. At least na informed ang kinauukulan. Isa pa nandito din si Sir Balikofw na maaari kang tulungan na mailapit ang iyong problema.

Ingat lang dyan.
Link to Post - Back to Top  IP: Logged

[image]
wengertzz
Junior Member
**
member is offline

[avatar]

you live.. you learn...

[yim]
[homepage]

Joined: Aug 2008
Gender: Female
Posts: 73
Location: across the universe
 Re: CONTRACT BUY OUT
« Reply #3 on May 13, 2009, 6:06am »

sir freedom ano pong klaseng info ang ang kelangan kung ibigay? saka kanino ko po ibibigay..
Link to Post - Back to Top  IP: Logged

[image]

whatever happens... happens..
JR dating adonis aka balikofw
Senior Member
*****
member is offline

[avatar]

Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan may stiff neck



Joined: Jan 2009
Gender: Male
Posts: 1,953
 Re: CONTRACT BUY OUT
« Reply #4 on May 13, 2009, 7:44pm »

Paki-contact na lang:
Philippine Overseas Labor Office (POLO) Riyadh
Labor Attache II Rustico SM. Dela Fuente
Mob 0565266270 Personal Email: resty12@hotmail.com
Address Philippine Embassy, P.O. Box 94017 Riyadh 11693
Telephone No. (9661) 483-2201 to 05
Fax No. (9661) 483-2204/483-2196
OWWA Riyadh email: owwa.ruh@gmail.com

Sila ang makakatulong sa iyo.
Link to Post - Back to Top  IP: Logged
wengertzz
Junior Member
**
member is offline

[avatar]

you live.. you learn...

[yim]
[homepage]

Joined: Aug 2008
Gender: Female
Posts: 73
Location: across the universe
 Re: CONTRACT BUY OUT
« Reply #5 on May 14, 2009, 6:18am »

sir balikofw, parang wala po akong guts dumulog jan kay labor attache. natatakot po kasi ako sa binabangga koh eh. wala po kasing umaangal sa patakaran nya eh sya po ang batas dito lahat po takot sa kanya maging mga doctor dito. yun nga pong pinay na dentista binuy out ang contract kasi pagod na sya at nakakdepress na mga nangyayari dito di nya na matagalan. pinayagan sya kasi di sya pumasa sa exam ng ministry.. sana lang payagan akong umuwi pag kinausap ko na ang kafil namin..
Link to Post - Back to Top  IP: Logged

[image]

whatever happens... happens..
JR dating adonis aka balikofw
Senior Member
*****
member is offline

[avatar]

Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan may stiff neck



Joined: Jan 2009
Gender: Male
Posts: 1,953
 Re: CONTRACT BUY OUT
« Reply #6 on May 14, 2009, 7:03pm »

Hindi ko naman sinasabing banggain mo. Ang nais ko lang ay huwag kang matakot at bigyan mo ng solusyon ang problema mo. Nade-depress ka pero wala ka namang ginagawang action. Hindi mo pa sinusubukan, negative na agad ang nasa isip mo. Umaasa ka na magiging maganda ang resulta ng pag-uusap mo ng kafil mo samantalang ikaw na din ang may sabi na may pagka-balasubas.
Isa pa, hindi ko maintindihan yang sinasabi mong buy out ng contract. Bakit mo kailangang magbayad para matapos na ang contract mo samantalang maliwanag na may contract violation on the part of the employer/sponsor? Subukan mo muna.
Mayroon pang isang alternative kung hindi kaya ng dibdib mong personal na magreklamo. Mag-email ka sa CMA:

Center for Migrant Advocacy Philippines (CMA)*
72-C Matahimik Street, Teachers’ Village
Quezon City, Philippines
Email: cma@tri-isys.com
URL: www.pinoy-abroad.net
Telefax: +632 4330684 Telephone: +632 920 5003
Contact: Ms. Ellene Sana, Cell: 00639174481464

May mga counterparts sila sa Riyadh na tutulong sa iyo.
Link to Post - Back to Top  IP: Logged
wengertzz
Junior Member
**
member is offline

[avatar]

you live.. you learn...

[yim]
[homepage]

Joined: Aug 2008
Gender: Female
Posts: 73
Location: across the universe
 Re: CONTRACT BUY OUT
« Reply #7 on Jun 6, 2009, 1:36am »

salamat po sa inyo itry ko pong mag email sa mga binigay nyong email add..salamat uli..balik po ako pag may reply na sila..

Sirbalikofw yun lang po kasing pagbabayad ang naiisip kong paraan na mapapayag sila na bigyan ako ng exit. kung di po babayaran ang kafil eh kailangan tapusin ang contract eh di ko na po balak tapusin ang contract koh eh kaya po ganun. malinaw nga po na sila ang nagviolate ng contract pero ano pong magagawa ko nasa poder nila ako. marami po silang pwedeng gawin na ikakasama ko. yun po ang kinakatakot ko.
Link to Post - Back to Top  IP: Logged

[image]

whatever happens... happens..
JR dating adonis aka balikofw
Senior Member
*****
member is offline

[avatar]

Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan may stiff neck



Joined: Jan 2009
Gender: Male
Posts: 1,953
 Re: CONTRACT BUY OUT
« Reply #8 on Jun 6, 2009, 3:07pm »

Desisyon mo iyan kaya wala tayong magagawa.
Link to Post - Back to Top  IP: Logged
wengertzz
Junior Member
**
member is offline

[avatar]

you live.. you learn...

[yim]
[homepage]

Joined: Aug 2008
Gender: Female
Posts: 73
Location: across the universe
 Re: CONTRACT BUY OUT
« Reply #9 on Jun 18, 2009, 7:03am »

sir inemail ko na po yung mga email ads na binigay nyo to seek some advice and help and yet di po sila nagrereply.. siguro ganun talaga.busy sila sa kung ano anong bagay at wala silang pakialam sa mga distressed OFW's. hay ang saklap isipin na building lang ang mga offices ng mga government body nila dito at di nila binibigyan ng aksyon ang mga hinaing ng mga nangangailangan sa kanila.

nga po pala may nagconfront sa aljazira regarding sa post ko dito sa forum at ang sabi ng nagmamagaling na ALJAZIRA MANPOWER AGENCY sa aplikante eh miscommunication lang daw ang nangyari sa amin.. ngyi.. patawa talaga sila.. sana masubukan nilang pumunta sa isang lugar na iniiexpect nila tapos biglang makita nila ang sarili nila sa impyerno pala ang destinasyon ng makita nila.

kaya wag kayong magpapauto jan sa aljazira na yan.. their bunch of LIARS... they will just lure you to sign in he contract and after that bahala na kayo pagdating nyo ng saudi..
Link to Post - Back to Top  IP: Logged

[image]

whatever happens... happens..
JR dating adonis aka balikofw
Senior Member
*****
member is offline

[avatar]

Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan may stiff neck



Joined: Jan 2009
Gender: Male
Posts: 1,953
 Re: CONTRACT BUY OUT
« Reply #10 on Jun 18, 2009, 4:27pm »

Yung sa POLO palagay ko dapat mong tawagan kung hindi nagre-reply.
Sa CMA parang hindi yata ako naniniwalang hindi sila nagre-reply. Magpadala ka na lang ng follow-up email referring to the previous one.
Link to Post - Back to Top  IP: Logged
wengertzz
Junior Member
**
member is offline

[avatar]

you live.. you learn...

[yim]
[homepage]

Joined: Aug 2008
Gender: Female
Posts: 73
Location: across the universe
 Re: CONTRACT BUY OUT
« Reply #11 on Oct 29, 2009, 6:39am »

hello po sa lahat.. hanggang ngayon po ay wala pa rin pong nangyayari sa aking pagrereklamo kay labor attache at sa CMA.. kinausap ko na po ang mudir ng aming clinic at sabi nya ay wala daw po akong magagawa kundi sumunod dun sa friday duty bale po 3 friday ng buwan na eto ay dapat pasukan ko at wala pong bayad at next month ay 2 fridays naman ang dapat kung pasukan..kung ang buwan ay may 5 fri 3 nun ay sa akin at kung 4 fri, 2 naman nun.. :( halos wala na pong day off.. sobra sobra na po yun workload ko s 8 hours... kung ako po ay aabsent ng isang friday eh icut salary po ako ng 1 week.. di po talaga makatao ang company ko kaya po pilit ang pagtatrabaho namin dito..

nextweek po ay balak ko ng ipasa ang resignation ko na may 1 month notice para hanapan nila ako ng kapalit at pagtapos ng 1 month ay magstop work na ako... ang tanong po:
1.)ano po ba ang aksyon na dapat kung gawin kong di sila pumayag na ako ay pauwiin?
2.)paano po kung idetain nila ako dito sa aming accommodation ng walang work hanggang matapos ang contract ko sa sept 2010? kanino po ako pwedeng sumangguni pag nangyari ang ganito? may magagawa po ba ang nanay ko sa pinas para makauwi ako ng maayos?
3.)pano po pag ako ay pinagbayad nila ng kaukulang halaga kasi daw ay di ko natapos ang aking contract? mg 14 months n po ako dito... eto po ang ginawa nung pinay doctora para makauwi sya ng di natatapos cintract nya.
4.)mag eexpire po ang iqama ko ng dec 12,2009 at malamang ay ipitin nila ako sa di pag aasikaso ng aking exit at ipilit nila na bayaran ko ang renewal ng iqama at medical exam.


pls..pls...pls po ako po ay inyong pagpayuhan.. nahihirapan na po ako dito.. di ko na po gusto ang pag aabuso sa amin dito... saka di po namin inaasahan na ganito ang kakahinatnan namin dito..


Link to Post - Back to Top  IP: Logged

[image]

whatever happens... happens..
JR dating adonis aka balikofw
Senior Member
*****
member is offline

[avatar]

Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan may stiff neck



Joined: Jan 2009
Gender: Male
Posts: 1,953
 Re: CONTRACT BUY OUT
« Reply #12 on Oct 30, 2009, 8:16pm »

Subukan mong mag-log on sa anginyonglingkod.com website. Nandoon yung mga taga-SOS Riyadh. Siguradong tutulungan ka nila. Puwede mo ding kontakin si Cris Lavinia ng TFC, Mob 0502180268 or misis niyang si Marilyn, 0507045859 or si Roland Blanco, 0551459408. Maaari mo ding i-text ang POLO Hotline 0567673454.
Link to Post - Back to Top  IP: Logged
   [Search This Thread][Send Topic To Friend] [Print]

20 Recent Posts :: Main Message Board :: Non-OE Board :: OE Board :: List of Licensed Agencies :: Job Vacancies :: POEA Home
Google
Webbbayani.proboards.com
Click Here To Make This Board Ad-Free


This Board Hosted For FREE By ProBoards
Get Your Own Free Message Boards & Free Forums!